BAKIT kaya ayaw mamatay-matay ng kuwentong may pinagkakaabalahang bisyo ang isang guwapo at kilalang young actor?
Wala sa kanyang itsura ang sinasabing bisyo ng young male personality, magaling siyang magdala, kung totoo nga ang balita tungkol sa kanya.
Maaliwalas ang mukha ng young actor, matipuno ang kanyang katawan, walang mag-iisip na meron nga siyang pinagkakaabalahang bisyo.
Kuwento ng aming source, “Nagsimula ang kuwentong ‘yan sa taping ng isang seryeng malaki ang role na ginagampanan niya. Madalas kasi siyang magpunta sa portalet.
“Malayong probinsiya ang location nila, maraming portalet ang production, du’n siya madalas kapag wala siyang take. Natural, nagtataka ang mga nandu’n sa set dahil siya lang ang personality na kayang magtiis sa mapanghing lugar na ‘yun.
“Ang ibang artista nga naman, kapag pumapasok sa portable CR, e, nag-i-spray pa ng kung anu-ano dahil mapanghi nga! E, bakit siya, palaging nandu’n, may dahilan nga naman ‘yun!
“Du’n nag-umpisa ang kuwentong may ginagawa siyang kababalaghan sa portalet. Inoorasan pa pala siya ng mga miron, matagal na matagal siya sa lugar na napakapanghi!
“Hindi naman sumasakit ang tiyan niya, hindi rin naman siya nagbabalisawsaw kaya ihi siya nang ihi, kaya ano nga naman ang dahilan kung bakit palagi siyang nagkukulong sa portalet?” mahabang litanya ng aming source.
May mga kumokontra rin sa kuwento, puwede raw ba naman ang kalokohan ng young actor sa kanyang karelasyong young actress, di matagal na siyang hiniwalayan ng girl?
“Natural, walang alam ang girl sa mga milagrong ginagawa ng young male personality. Pero bakit nga ayaw mamatay-matay ang ganu’ng istorya tungkol sa kanya?
“Sana nga, e, hindi ‘yun totoo, masisira ang career niya, pati ang itsura niya, e, magbabago, hunk na hunk pa naman ang dating niya at guwapo siya, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.
Nakow, Jon Silverio, ngayon natin malalaman kung gaano kayo katindi ni Ching Bautista Silverio sa panghuhula.
Kabugin n’yo kaya sina Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?