BINUWELTAHAN naman ni Alex Gonzaga ang isang basher na nang-asar sa kanyang tatay dahil sa pagkatalo nito nitong nakaraang eleksyon.
Tumakbong mayor ng Taytay ang tatay niyang si Bonoy Gonzaga pero natalo nga ng reelectionist na si Mayor Joric Gacula.
Isang throwback photo ang ipinost ni Alex sa Instagram kasama ang kanyang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Dito nag-comment ang hater ni Alex ng, “Dami na time ni Daddy no @cathygonzaga #talo.”
Sagot sa kanya ng komedyana, “@g10090501 yes more time for our family, apo, business and to serve the Lord fulltime again. He has more time now but still not enough to comment on someone’s picture like you. #Sad life for you.”
Ganting hirit ng basher, “@cathygonzaga lel, uy na hurt ka ng bahagya no? #TaloPaRin (laughing with tears emoji).”
Resbak ni Alex sa kanya, “@g10090501 hindi at all natawa sayo kasi akala mo mahuhurt kami sa troll (laughing with tears emoji) poorness.”