LUMILIKHA ngayon ng ingay ang isang Pinoy sa buong universe dahil sa paggawa ng mga world-class customized dolls.
Siya si Noel Cruz na naka-base ngayon sa Amerika kung saan niya ginawa ang ilan sa kanyang mga obra, tulad ng mga manikang kamukhang-kamukha nina 2015 Miss Universe ia Wurtzbach, 2018 Miss Universe Catriona Gray, Gal Gadot bilang Wonder Woman at iba pang kilalang celebrities.
Sa isang TV interview, sinabi ni Noel na nagsimula siyang gumawa ng mga customized dolls dahil na rin sa hilig ng kanyang misis sa mga manika.
Kaya naman sa halip daw na bumili nang bumili ang asawa, sinubukan niyang mag-customize at mag-repaint ng mga manila hanggang sa makilala na nga siya bilang doll repaint artist.
“The concept of a doll repaint is you take an existing doll, and as an artist, binubura ko ‘yung mukha niya and niri-repaint ko ulit,” sabi niya sa panayam ng GMA.
Sa katunayan, punumpuno na ng customized doll ang kanilang bahay na siya mismo ang nagpinta ng mukha at nag-style ng mga damit.
Bukod nga kina Pia, Catriona at Gal Gadot, kabilang din sa kanyang collection ang mga character dolls na sina Superman, Batman, Joker, Maleficent, Lara Croft, Princess Leia at Johnny Depp, Orlando Bloom, Keira Knightley at Naomi Harris ng Pirates of the Caribbean. Meron din siyang ginawang Liza Soberano doll.
Kuwento pa ni Noel, usually tatlong araw hanggang isang linggo ang paggawa ng isang customized doll at maaari itong mabili mula P60,000 pataas.
Samantala, sa isang Instagam post ni Noel makikita ang ginagawa niyang bagong manika. Sa litrato ay makikita sa lamesa ang isang cellphone na may picture ni Kathryn Bernardo.
May caption itong, “First time ever doing a repaint in the Philippines. with chickens clucking in the background and street peddlers hawking local favorites. Priceless! Not my usual larger workspace but everything feels just right. You may even recognize the doll.”