Auction ng P704.8M Marcos jewelry inaprubahan ni Duterte


INAPRUBAHAN ni Pangulong Duterte ang public auction ng P704.8 milyong jewelry collection na nakumpiska mula kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang naging kautusan ni Duterte.

“Sabi ni Presidente kagabi na payag na makinabang ang taumbayan doon sa mga jewelry. So tinanong ko siya, ‘Are you going to give the go signal?’ sabi niya, ‘Yes.’ Basta ang importante makarating sa taumbayan ‘yung sales, ‘yung proceeds,” sabi ni Panelo.

Wala namang ibinigay ang Palasyo na petsa para sa gagawing subasta ng mga f Marcos jewelry.

“Depende na sa kanya basta he agrees with it,” ayon pa kay Panelo.
Nauna nang sinabi ng

The Commission on Audit (COA) na pag-apruba na lamang ni Duterte ang kailangan para sa auction ng P704.8 milyong Marcos jewelry.

Read more...