Bossing, Maine wagi sa 2019 Kagitingan Awards for TV para sa ‘Daddy’S Gurl’

MAINE MENDOZA AT VIC SOTTO

Ginawaran ng parangal sina Vic Sotto at Maine Mendoza bilang Personalidad ng Telebisyon Awards sa 7th Kagitingan Awards for Television ng Bataan Peninsula State University.

Tuwang-tuwa ang direktor ng sitcom na si Chris Martinez sa recognition na iginawad sa lead stars ng idinidirek niyang sitcom sa GMA, ang Daddy’s Gurl.

“We’re not even a year old but we’re reaping all these recognitions! MARAMING SALAMAT PO!” tweet ni direk Chris.

Ilan pa sa Kapuso programs na pinarangalan din sa 7th Kagitingan Awards ay ang Dear Uge ni Eugene Domingo, Magpakailanman ni Mel Tiangco at ilang programa ng GMA News and Public Affairs.

Read more...