Dahil sa historical film niyang “Quezon’s Game”, natanong sa isang panayam ang bida ritong si Raymond Bagatsing kung binalak din niyang pasukin ang mundo ng politika.
Sa mga hindi pa nakakaalam, nagmula rin ang aktor sa pamilya ng mga pulitiko, pero aniya, wala siyang planong pasukin ang politics.
“I can’t really say it’s my ambition these days. Maraming nag-urge sa akin na tumakbo pero for me, I enjoy my work as an actor. I love the arts. I’d rather be an actor,” ang naging pahayag ni Raymond sa nasabing panayam.
Pero inamin niya na naisip niya noong tumakbo pero dahil lang daw ‘yun sa pangalan ng pamilya.
“Only because my family, the Bagatsing, they’re pretty prominent especially during the Martial Law, Marcos time,” esplika niya.
Ang lolo pala ng aktor na si Ramon Bagatsing ang longest-running mayor sa Manila noong panahon ng Martial Law na nagsilbi ng halos 16 years. Meron din daw siyang dalawang pinsan na kongresista sa Manila at konsehal sa Muntinlipa.