‘The Last Empress’ star Shin Sung Rok bibida sa ‘Perfume’

SHING SUN ROK

Matapos ang kanyang kontrabida-bida role sa hit Korean drama na The Last Empress, bibida muli ang magaling na aktor na si Shin Sung Rok sa upcoming series na Perfume.

Isang fantasy romance ang Perfume kung saan gaganap si Sung Rok bilang Seo Yi Do, isang genius fashion designer, na may mga phobia at allergy.

Makakasama rito ni Sung Rok si Go Won Hee na gaganap bilang Min Ye Rin, isang misteryosong fashion model.

Magkukrus ang landas ng dalawa at laging napapa-trouble tuwing nagkikita. Mapapanood na ang Perfume sa Hunyo 3.

Nagmarka ang role ni Sung Rok sa The Last Empress kung saan gumanap siya bilang emperor.

Minahal ng fans ang napakaepektibong pagganap ni Sung Rok.

Read more...