JM handa nang magkadyowa uli pero may kontra


GUSTO nang magkadyowa uli ng Kapamilya singer-actor na si JM de Guzman. Feeling niya ready na siyang pumasok sa bagong relationship.

“Gusto ko na talaga magkaroon ng relasyon ulit. Masaya. Pero so far parang hindi nag-a-agree ang universe sa gusto ng utak ko,” sabi ni JM sa isang interview.

Sa ngayon, habang naghihintay ng kanyang “the one” at ka-forever, uubusin muna ng binata ang

kanyang panahon sa pamilya at showbiz career.
“For now siguro, kailangan ko munang i-focus ito doon sa blessings and opportunities. Kasi siyempre my family needs me too and my future family.

“And I want to be a father too someday, that’s my dream, my goal. I want to prepare for that, I want to secure them.

“So ‘yung alam kong makaka-drag sa akin ngayon at makaka-defocus sa akin ay iiwasan muna,” aniya pa.

Ang huling nakarelasyon ng aktor ay ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial na nakatambal niya sa seryeng Araw Gabi. Naging kontrobersiyal pa ang paghihiwalay nila dahil sa pagsasagutan nila on national TV at social media.

Sa tanong kung may natutunan ba siya sa panibagong heartbreak, “Siguro ang natutunan ko huwag mag-hold grudges over love. Kasi kapag bitter ka hindi ba parang ang pangit ng love, parang dinudumihan mo ang pangalan.

“Parang hindi ka na magkapagmahal ng totoo kasi laging may bahid ng past.

“So para sa akin kung anuman ‘yung magandang naidulot sa iyo ng love ay puwede mong panghawakan pa rin ‘yon, ma-inspire pa rin doon. Puwede ka pa ring makaramdam ng ganu’n sa ibang tao,” pahayag pa ni JM.

Kamakailan, nagsalita naman si Barbie na hindi pa siya handa na makatrabaho uli si JM. Natatakot kasi siya na baka maapektuhan pa ang kanilang trabaho kapag nagkasama sila uli sa isang proyekto.

Mas okay daw kung pareho na silang naka-move mula sa kanilang break up.

Read more...