Aiko nakipagbalikan na kay Jay Khonghun: Kami pa rin, love wins

BATI na sina Aiko Melendez at boyfriend na si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun. Nag-post na kasi sa Instagram ang aktres ng litrato nila together na kuha sa Las Vegas, Nevada, USA.

Matatandaang umalis si Aiko nitong Mayo 24 at pagdating ng Vegas ay nag-post siya sa IG na meron silang pinagdaraanan ng boyfriend na normal naman sa isang relasyon. Pero umaasa siya na maaayos pa rin nila ang kanilang problema.

Pero nitong Mayo 25 ay nagkaayos na sila dahil nag-post ulit ang aktres ng litrato nila sa IG na may caption na, “Never Leave a true relationship for a few faults, nobody is perfect.

“And in the end affection is greater than Perfection. Just find the right one that you’ll go through hell and heaven with. Have you found yours? Well I did.”

Nitong isang araw ay may picture na ipinost si Aiko na nakayakap sa kanya si VG Jay sa Vegas Strip. Ang caption dito ng aktres, “Amidst all the trials, challenges here we are still Together. Stronger Together #vegas2019 @jaykhonghun.”

Nagpadala kami ng mensahe kay Aiko sa messenger niya ng, “Hello love birds.”

Sumagot kaagad ang aktres ng, “Wa! Ha-hahaha! Love wins teh. Nakipag-ayos sa akin ‘teh Regs, kaya hayun (sumunod sa Vegas).”

Sa Hunyo 1 na ang unang araw ng panunungkulan ni VG Jay sa Zambales kaya posibleng sabay silang uuwi ni Aiko sa Hunyo 6 o mauuna siya.

Si Aiko naman ay kasama na niyang pabalik ang mga anak na sina Andrei Yllana at Marthena Jickain at mama nitong si Elsie Castaneda.

Read more...