Kris nilaglag si Mar sa ‘otso’ dahil kay Korina

KORINA SANCHEZ AT KRIS AQUINO

NAIINTRIGA kami sa mala-blind item na post ni Kris Aquino sa walong senatoriables na ibinoto niya: apat doon ay Otso Diretso, dalawa mula sa administrasyon at dalawa bilang independent candidates.
This is a test to our guessing skill.

For sure, isa sa apat na mula sa oposisyon na sinugalan ng boto ni Kris ay si Sen. Bam. Ang misis man nito ang humarap sa press mid-April right after Kris got back from her vacation in Japan, naroon naman ang TV host-actress sa event.

Bawal daw kasi siyang mag-endorso, ayon sa naka-stipulate sa kanyang commercial endorsement contracts.

By process of elimination, paniguradong si Mar Roxas ang tinabla ni Kris dahil “warla-warla” sila ng misis nitong si Korina Sanchez.

Grace Poe ran as an independent candidate, tiyak isa siya sa dalawang ibinoto ni Kris.

At minsan pang na-touch si Kris sa paghingi ng paumanhin ni Bong Go sa inasal ni Phillip Salvador, for sure, the former SAP was one of Kris’ two admin bets.

The rest, only Kris, her kin and friends know.

Read more...