IDINEKLARA ng Palasyo ang Hunyo 5 (Miyerkules) bilang regular holiday sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.
Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation Number 729 bago tumulak pa-Japan kahapon (Mayo 28).
“Republic Act number 9177 declares Eid’l Fitr (Feast of Ramadhan) as a regular holiday throughout the country. Eid’l Fitr is celebrated by the Muslim world for three days after the end of the month of fasting. The entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance of Eid’l Fitr,” sabi ni Duterte.
Umalis si Duterte papuntang Japan noong Martes para sa isang official visit at nakatakdang bumalik sa bansa sa Hunyo 1.