PWDs may puwang sa ECP

DEAR Aksyon Line,
Hello po! Good day!
May concern po ako sa ECC. Ako po ay isang PWD (person with disability). Naririnig-rinig ko po na may mga programa ang ECC sa mga katulad kong PWD.
Anu-ano po ba ang mga programa ng ECC na maaaring makatulong sa mga tulad kong PWD.
Ako rin po ay isa sa mga officers ng samahan ng mga PWD dito sa aming lungsod.
Sana po ay ma-
bigyan ninyo ako ng impormasyon tungkol sa mga programa ng ECC.
Lubos na umaasa,
Mary Cornelio

Dear Mary,

Ang Employees’ Compensation Program (ECP) na pinamahalaan ng Employees’ Compensation Commission (ECC) ay nakalaan na magbigay ng benepisyo sa mga manggagawang naaksidente o nagkasa-kit ng dahil sa trabaho.
Ang mga pangunahing benepisyaryo ng ECP ay ang mga occupationally-disabled workers o ODWs kaya sa madaling salita bahagi lang ng PWDs ang pwedeng serbisyuhan ng ECC. Samakatwid, sila yung mga PWDs na nabalda ng dahil sa trabaho.

Salamat sa iyong interes sa ECC.
Gusto namin na marami pa ang makakaalam ng ECP kaya Mary kung may mga PWDs kang kilala na nabalda nang dahil sa trabaho pwede mong ipaalam na tumawag sa 899-42-51 local 227 or 228 o bisitahin ang aming website sa www.ecc.gov.ph.
Cecil Estorque-Maulion
Information and Public Assistance Chief
ECC
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran
sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...