Male fan nag-propose kay Gabbi Garcia: Ayoooon! Tuloy ang kasal!


NAG-PROPOSE sa Kapuso actress-singer na si Gabbi Garcia ang isa niyang tagahanga.
Isang Alfred Armas ang nag-post sa kanyang Facebook account ng kanyang litrato na may hawak na fan sign kung saan sinabi nito na ang iniaalay niya ang kanyang diploma kay Gabbi.

“This is for you bebe Gabbi Garcia, for us, for our family. Hays baliw na baliw na ko sa ‘yo nagpa-set na ako ng kasal haaaa?
“Attend ka kahit sama mo si Khalil , siya best man. Hihi mwaaaaa! Sana naman makarating sa ‘yo ‘to huhu!” ang mensahe ni Alfred sa dalaga.

Na-shock naman si Alfred nang makitang inagot ni Gabbi ang kanyang FB post.
Reply sa kanya ng aktres sa pamamagitan ng Instagram Story, “Someone sent me this. CONGRATULATIONS. Sending my love to you.”

Ito naman ang sumunod na post ni Alfred sa FB bilang reaksyon sa mensahe ni Gabbi, “OMGGGGGG! This is not a drill guys, I repeat this is not a drill. Sabi ko sa inyo eh Love nya kooooo.
“So ayooooon , thank you sa mga nag-share to make this thing possible. I cant hinga hinga properly, my heart fast so tibok tibok talaga like oh my God talagaaaaa SO AYOOONN TULOY ANG KASAAAAAAAAL #AlGab!”

Read more...