SINGER Jimmy Bondoc seems to have waved his white flag signaling na suko na siya kay Angel Locsin.
In a recent interview with talunang si Mocha Something ay nag-apologize si Jimmy sa The General’s Daughter lead actress.
“Una sa lahat, buong-buo po ang respeto ko sa inyo bilang babae, bilang kapwa entertainer.
“Ayoko kasi ng diskusyon na hindi harapan. Diyan po nagmumula ang maraming problema ng bayan natin. Hindi nakukuha ang buong side ni Ma’am Angel, at malamang hindi rin nakukuha yung buong side ko.
“So ang message ko lang is, kung ano man ‘yung personal na nasaktan sa kanya du’n sa message ko at sa mga kapwa niyang artista, paumanhin po.
“Sana, sagutin din nila ‘yung totoong point ng post, which is bakit meron tayong ganitong sistema ng kapangyarihan sa media na kahit ano yata pwede na nilang sabihin. Kahit sinong sagasaan, kahit sinong mawalan ng trabaho, hindi ko po maintindihan ‘yun.
“Ma’am, yun lang po ‘yung point ko ma’am. ‘Wag na kayong magalit sa akin ma’am. Talagang kawawa ako sa mga katulad ninyo, napakasikat ninyo, wala akong laban! Ako po’y hamak na government employee.”
Yan ang say ni Jimmy kay Mocha.
Pinalagan ni Angel ang aria ni Jimmy na gusto niyang makitang magsara ang biggest network. Without naming it, ang ABS-CBN agad-agad ang naisip ng netizens sa hanash ng singer.