Dahil sa komentong walang star quality ang isang auditionee ng Idol Philippines ay nakakatikim ngayon ng pamba-bash ang isa sa apat na huradong si Vice Ganda.
Pinakakain ngayon ng ampalaya ng mga netizens ang vaklang twoooo! Kaliwa’t kanang upak ang inaabot ng sikat na komedyante dahil sa nag-audition na si Diane Vergoza na wala raw star quality ayon kay Vice.
Natural, naghimagsik ang manonood, ano raw ang pinagsasasabing star quality ni Vice samantalang mga bagito nga ang nag-o-audition sa kanilang programa?
Si Vice ang binalikan ng mga kababayan natin, nu’ng nagsisimula raw ba siya ay meron na siyang star quality, hindi ba’t ang talento niya sa pagkokomedya ang naging susi niya sa kasikatan?
Sabi ni SOS, ang anak-anakan naming kritiko ng mga artista, “Wala rin siyang star quality nu’ng nag-uumpisa pa lang siya. Nagkataon lang na sumikat siya, nagkapera, kaya may panggastos na siya sa pagpaparetoke! Look, who’s talking!”
Ibinigay ring halimbawa ng mga kumontra kay Vice ang sitwasyon ni Nora Aunor nu’ng sumali ito sa Tawag Ng Tanghalan. Maliit, maitim, napakasimple lang ng Superstar nu’ng magkampeon sa labanan.
Maging si Regine Velasquez ay ganu’n din nang sumali ito sa Bagong Kampeon, simpleng-simple lang si Chona Velasquez.
Pero naging Superstar si Nora Aunor at may titulo namang Asia’s Songbird si Regine. Pareho silang sumikat kahit wala silang star quality nang mangarap na manalo sa paligsahan sa pagkanta.
Pahiya si Vice Ganda.