Kiray naging instant fan ng kikay na senior citizen: Gusto kong maging katulad niya!

KIRAY CELIS

NAGING instant “fan” si Kiray Celis ng isang senior citizen na nakilala niya sa paglilibot sa Burias Islands kamakailan.

Nakasama ng Kapuso comedienne sa kanyang summer vacation ang ilang millennial at “millennial at heart,” kabilang na nga riyan ang bibong-bibong 68-year old na si Angie Tarnate Garcia kasama ang anak na si Nonet Jimenez.

In fairness, game na game ang senior citizen na nakipagsabayan sa kakulitan ng mga millennial lalo na kay Kiray. Sey nga ng komedyana, kapag daw tumanda siya, gusto niyang maging katulad ni Mommy Angie.

“Nasanay ako sa mga nanay na puro bawal. Pero siya go lang nang go. Siya pa mismo ‘yung magsisimula ng gulo, alam mo ‘yun? Ganu’n siya eh, sobrang pasaway niya.

“I want to be like her kapag naging matanda ako.

“Gusto ko ganun ako ka-cool at kakulit na nanay na parang akala mo kapatid mo lang ‘yung anak mo.

‘Yung nakakasabay ako sa lahat na pupuntahan ng mga anak ko,” aniya pa.

At dahil super nag-enjoy talaga si Kiray sa kanyang Burias Islands getaway, gusto raw niya itong balikan kasama ang kanyang family at malalapit na kaibigan, “I would love to. Uulitin ko kung meron akong time.

“Lalo na ngayon at wala akong idea sa lugar na ito. I had no idea na may ganito pala sa Pilipinas. And I’m very happy.

“And ako ‘di naman ako mahirap pakisamahan or kaibiganin so, I would love to. Magiging joiner din ako next time,” pahayag pa ng dalaga.

Read more...