Wanted: 33,000 pampublikong guro

NANGANGAILANGAN ang Department of Education (DepEd) ng 33,000 bagong guro ngayong taon, ayon kay Undersecretary Anne Sevilla.

Sa paglulunsad ng Oplan Balik Eskwela (OBE),  sinabi ni Sevilla na 10,000 bagong posisyon para sa mga guro ang bubuksan, samantalang 23,000 bakanteng posisyon ang hinihintay pang mapunan.

“We have 10,000 new positions in 2019. Hindi ‘to kaagad naaprubahan dahil hinintay natin yung 2019 GAA [General Appropriations Act],” sabi ni Sevilla.

“However, we were informed by DBM [Department of Budget and Management] na pwede na itong umpisahan. We’re just looking for the documentation. But kahit wala pa yung documentation naguumpisa na ang DepEd para hanapin itong mga guro na ito,” dagdag ni Sevilla.

Idinagdag ni Sevilla na dumami ang hindi napunang posisyon ng mga guro kayat umabot ng 23,000, bukod pa sa karagdagang 10,000 bagong bubuksan.

”Kagaya ng school building and classroom, may accumulated din tayo na mga positions na nacreate pero bakante pa hanggang ngayon. We have 23,000, those accumulated vacant positions plus 10,000 this year, so we are expecting about 33,000 new teachers this year,” ayon pa kay Sevilla.

Ikinatuwa rin ni Sevilla ang pinakahuling resulta ng Licensure Examinations for Teachers (LET) kung saan mas marami ang nakapasang mga gustong maging guro.

“And we are happy that there was news na mas marami pa dito ang pumasa sa ating LET exam,” sabi si Sevilla.

Tinatayang 41,930 ang kumuha ng LET noong Marso 2019, ayon sa Philippine Regulation Commission (PRC).

Read more...