Sumasakit ang likod, binti sa paglalaba, ngalay lang ba ito?

Sumasakit ang likod, binti sa paglalaba, ngalay lang ba ito?

Dr. Hildegardes Dineros |July 19,2013
share this

Sumasakit ang likod, binti sa paglalaba, ngalay lang ba ito?

Dr. Hildegardes Dineros | July 19,2013 - 07:00 AM

LAGI po kasing sumasakit ang mga kamay ko. Nagpagamot ako nun at nagpa-test kung mataas sugar ko, ok naman normal sa 95. Naresetahan ako vit b complex up to now umiinom ako mag 2 years na. Pero bakit kaya ganun pa rin lagi pa rin parang manhid mga kmay ko. Ano kaya doc ang dapat kong gawin or inumin? GLORIA DE GUZMAN, 53, MAKATI CITY, …9688

Baka lang kailangang maeksamin ng maigi ang daloy ng dugo, nerve conduction, nutrition, arthritis at iba pa. Marami din kasing sakit na pamamanhid ang unang sintomas. Ipinapayong magpasuri uli sa doktor at sumailalim sa lab test.
Good am dok..ask ko lang bakit lagi sumasakit ang balakang ko kapag matagal akong nakaupo lalo na kapag naglalaba ako? at sumasakit din ang binti ko hanggang sa may likod ng tuhod ko?

Sabi ng doktor na pinag-checkupan ko kulang daw ako sa calcium at potassium, umiinom naman ako ng polynerve. — Marie Jean Madrid, 44 yrs old, Parang,Maguindanao, 2426

Masakit lang ang mga kasukasuhan at mga laman mo dahil sa pagod siguro. Kung meron pa ito pagkatapos magpahinga, uminom lang ng MYONAL 1 tab 3x a day for 3 days, CELEBREX 400 mg 1 cap daily for 5 days.

Magandang hapon po dok, si Chirryl po ito,26 years old na po,at taga Davao po ako. Tanong ko lang po dok kung may mabisang gamot po ba itong kamot sa tiyan,nag simula po ito noong katatapos ko lang manganak,kasi dok ang pangit, pangit talagang tingnan at ganun din,sa may gilid ng hita ko dok,sana matulungan nyo po ako tungkol dito. Salamat. — …2419

Hanggang ngayon ay sinisiyasat pa rin ng mga eksperto kung ano ang maaring gawin dyan, wala pa rin mabisang lunas dyan.

Good pm po doc. Ako po si Girlie Odicta, 27, ng Dolores, Eatsern Samar. Tanong ko lang po may mayoma na kaya ako? Kasi sabi ng doctor noon my cyst daw ako isang taon na ang nakakaraan simula nang magpa check up ako.
Ang sabi na doctor natural lng yon sa mga nanganganak at mula noon di ako nagpa check up pa. At sa ngayon madalas na sumasakit ang puson ko kahit katatapos pa lang ng monthly period ko. Sana masagot nyo ang tanong ko. Umaasa po. God bless.– …0418
Magpa-PELVIC ULTRASOUND O TRANSVAGINAL ULTRASOUND ka muna, samahan mo ng URINALYSIS, tapos ipatingin mo ang result sa iyong OB-GYNE na doctor.
May nais ka bang isangguni kay Dr. Heal? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606, at abangan ang kanyang sagot tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending