Singer-actress bitbit lahat ng alahas makapagyabang lang

MARAMING nag-aalalang katrabaho ng isang singer-actress sa nakasanayan niyang pagdadala ng halos lahat ng kanyang mga alahas sa studio.

Bulto-bulto ang kanyang alahas, para na siyang walking jewelry box, ipinag-aalala ‘yun ng kanyang mga kasamahan.

Totoong marami nang naipundar na alahas ang female personality, ‘yun talaga ang hilig niya, kaya nga lang ay wala pa siyang kakayahan nu’n na bilhin ang mga pangarap niyang alahas.

Pero ngayon ay can afford na siya, may regular na kasi siyang trabaho, malaki pa ang kinikita ng kanyang kapamilya na nag-aabot sa kanya ng datung.

Kuwento ng isang source, “Nandu’n na tayo, marami na siyang nabibiling alahas ngayon, pero tama bang dalhin niya ‘yun sa studio kapag nagtatrabaho siya?

“Nakakatakot ‘yun, di ba? Paano kung may makaisip na pagnakawan siya? Huwag niyang sabihin na palagi namang nakabantay ang mga alalay niya, paano kung malingat ang mga ‘yun?

“E, di biglang naubos ang mga alahas niya? Pinaghirapan pa naman niya ‘yun, dugo at pawis ang ipinuhunan niya, tapos, bigla na lang mawawala?” nag-aalalang komento ng aming impormante.

Mahabaan kasi ang kanilang taping sa show, kaya paiba-iba rin ang mga baon niyang alahas sa studio, sa bawat araw ng taping ay nagpapalit siya ng alahas.

“Kung three days ang itine-tape nila, di tatlong pairs lang din sana ng jewelry ang dalhin niya, di ba? Magdala man siya ng extra pairs, huwag naman niyang dalhin ang lahat-lahat, dahil nakakatakot ang mga ginagawa niya!

“Nu’ng minsan nga, e, may kasamahan siyang nagsabi na kasi raw, e, mayabang ang female personality, gusto niyang ipamukha sa mga kasamahan niyang hosts na napakarami na niyang naiipong alahas!

“Kasi nga naman, ano ba ang reason para dalhin niyang lahat ang mga alahas niya? E, di may halo na ring pagyayabang ‘yun?

“Naku, ito talagang mother na ito, sa sobrang tuwa niya na natupad na rin ang pangarap niyang makabili ng mga alahas, e, tumotodo naman ang yabang!

“Panglalaki pala ang size ng mga singsing niya, kasi nga, ang tataba ng mga daliri niya! Ang mother n’yo talaga, may kaangasan din kasi!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilala n’yo siya, promise! Sa laki niyang ‘yun, e, hindi n’yo pa ba siya makikilala?

Read more...