ISANG malaking paki-kibaka ang matigil sa paninigarilyo. Marami nang sumubok na itigil ang masamang bisyong ito, pero marami sa kanila ang bumabalik pa rin.
Pero, alam mo bang kaya mo itong maihinto? Mahirap pero kung gugustuhin mo, tiyak na makakayanan ito.
Narito ang ilang paraan para mahinto mo ang masamang bisyong ito:
1. Ihanda ang sarili. Alamin ang mga dahilan kung bakit nais mo itong itigil.
2. Pagpasyahan at planuhin mo ito nang mabuti
3. Magtakda ng petsa kung kailan ito ititigil.
4. Umiwas na sa tukso. Pansamantalang lumayo sa mga kaibigan, kakilala o kapamilya na naninigarilyo rin o kaya ay ipaalam sa kanila ang plano mong ihinto ito.
5. Asahan ang pagdating ng “withdrawal symptoms”.
6. Humingi ng suporta mula sa mga kapamilya, asawa at kaibigan.
7. Maging abala sa mga iba’t ibang gawain at magkarooon ng dagdag na libangan.
8. Kunin nang paisa-isang araw ang pagtigil mo sa paninigarilyo.
9. Huwag masiraan ng loob kung sa umpisa ay hindi ka magtagumpay.
10. Imbes na sigarilyo ang ilagay mo sa
iyong bibig, mag-gum ka na lang o kaya ay magkendi.