LAHAT ng daan ay patungo sa Circuit Makati ngayong Hunyo dahil sa Circuit Makati EVOLT International Dance Festival 2019 – ang pinakamalaki at pinaka-engrandeng dance festival sa Pilipinas.
Produced by Istudyo Ni Pipay Co., ang “EVOLT” is a week-long event kung saan magkakaroon ng libreng dance workshops na bukas para sa publiko at isang prestihiyosong dance competition kung saan kalahok ang iba’t ibang university-based at community-based dance groups mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Bukod dito magkakaroon din ng night-bazaar na inorganisa ng The Common Good Market at isang concert extra-vaganza kung saan pagsasama-samahin ang pinakamalalaking pangalan sa industriya ng entertainment.
Opisyal na magsisimula ang festival sa Hunyo 2 sa pamamagitan ng mga espesyal na performances mula sa online sensation at TV personality na si Lady Pipay at mula din sa mga kalahok ng dance competition ng event.
Magiging hurado sa dance competition sina Julie Borromeo, Regine Tolentino, Maribeth Bichara, Nancy Crowe, John Supan at Frank Rivera. Lahat ng mga kalahok ay maglalaban-laban para sa cash prizes and other surprises na hihigit sa isang milyong piso.
Ang award-winning concert director na si Paolo Valenciano ang magdidirek sa main at culminating event ng festival na magaganap sa Hunyo 8 sa Events Open Ground ng Circuit Makati.
Pangungunahan ang konsyerto ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, na itinuturing na isa sa pinakamatagumpay at pinaka-nagtagal na mainstream artist na talagang nagmarka di lamang sa pop at inspirational music, telebisyon, at pelikula ngunit sa larangan din ng pagsayaw at isa din siya sa mga hurado ng katatapos lamang na World Of Dance at isa sa mga hosts ng ASAP Natin ‘To.
Makakasama rin ni Gary ang international R&B star at Filipino pride at isa rin sa mga A-List celebrity judges sa World Of Dance at regular host ng ASAP Natin ‘To na si Billy Crawford, si Mr. Pure Power at multi-awarded dance champion na si Gab Valenciano at ng batang pop superstar na si Darren Espanto.
Kasama rin sina Regine Tolentino, Lady Pipay, AC Bonifacio, Nhizky Calma at pati na rin ang mga K-pop artists na Chic Angel at Rion Five.
Ipamamalas din ng konsiyerto ang iba’t-ibang uri ng sayaw na bibigyang buhay ng mga artists tulad ng Alab Poi Dancers, A-Team, G-Force, Hotlegs, It’s Showtime Dancers, Tribu Ilonganon of Dinagyang Festival, Julie Borromeo’s Performing Arts Foundation, Manoeuvres, Manoeuvres Ignite, Mauban Nilala Folk Dancers, MNL Crew, Douglas Nierras’ Powerdance, Power Impact Dancers, Rockwell, Sexbomb Dancers, SB New Gen, UPeepz, Vicor Dancers, at XB Gensan. Isang sayawan at party ang tatapos sa selebrasyon kasama si DJ Ace Ramos.
Ang Istudyo Ni Pipay ay isang one-stop-shop production services company, events management, at training facility na may maga world class na gruo mula sa Let’s Perform! School of Performing Arts.
Sa loob lamang ng dalawang taon, na-prodyus at na-manage na ang kumpanya ang 1st major concert ni Lady Pipay; ang KFC Delivery Fans Concert kung saan tampok ang Up Dharma Down, Ben and Ben at si Ebe Dancel; ang The Dance Machine Concert featuring Zeus Collins; ang orihinal na adaptasyon ng Ibong Adarna – Musical; at ang Rakrakan Sa Baliwag Arena.
Para sa mga tiket sa main event ng festival bisitahin ang smtickets.com at ticket2me.net. Para sa karagdagang impormasyon at kapanapanabik na mga exciting updates, bisitahin ang Facebook@evoltdancefest at teeradio.net.
Suportado ang Circuit Makati EVOLT International Dance Festival 2019 ng Holy Angels College of Pulilan, Liz Steel Barricades Rentals, Let’s Perform School Of Performing Arts, The Common Ground Market, at Tee Radio.
q q q
Speaking of Gary V, matapos sumailalim sa heart surgery at ma-diagnose ng cancer of the kidney last year, desido na talaga siyang siyang magpaka-fit and fab muli.
Sa Instagram ipinamalas ni Gary ang kanyang lakas sa pagbubuhat ng barbell na may bigat na 220 lbs o 10kg sa isang gym. Maraming netizens ang na-inspire sa dedikasyon ng OPM icon na maging mas healthy and fit.
Nagpasalamat naman si Gary sa kanyang fitness coach na si Chappy Callanta, “Thank you so much for those encouraging words. But @chappycallanta …it’s the answer to my prayer of getting the right coach that makes workouts like this worth my while.
“Thank you also. I know your schedules are also tight. Thanks for being able to help get to my best for all the other shows I still have ahead of me,” sabi pa ng 53-year-old singer.