10 movie icons pararangalan sa 3rd EDDYS

SAMPUNG nirerespeto at tinitingalang alagad ng sining ang bibigyang-parangal sa gaganaping 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa Hulyo.

Gaya nu’ng nakaraang taon, bibigyang-pugay ng SPEEd ang hindi matatawarang kontribusyon ng Icon awardees sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ang 2019 EDDYS Icon honorees ay sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda at Lorna Tolentino.

Samantala, bilang bahagi ng selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, kikilalanin din ng SPEEd, katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chairperson Liza Dino, ang ilang “unsung heroes” sa likod ng kamera.

Sila ang mga manggagawa na patuloy na nag-aalay ng ‘di matatawarang oras, lakas at talento upang pagandahin ang isang proyekto sa loob ng mahabang panahon.

Kasama rin sa listahan ang pagkilala sa tatlong major studios na nagsisilbing inspirasyon sa mga bagong player sa industriya: Ang Sampaguita Pictures, LVN Studios at Premiere Productions.

Narito ang honorees sa Parangal Sa Sandaan: LVN Pictures’ Maroth de Leon, Premiere Productions’ Digna Santiago, Sampaguita Pictures’ Marichu Vera-Perez Maceda, Armida Siguion-Reyna, Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio at Rosa Rosal.

Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino ay itinakda sa pamamagitan ng Pre-sidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre.

Ang FDCP ang itinalagang lead agency ng selebrasyong ito.

Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado sa iba’t ibang kategorya ng 3rd EDDYS.

Maglalaban-laban ang limang de-kalibreng pelikula sa kategoryang pinakamagaling na pelikulang Filipino ng 2018.

Ito ay ang “Citizen Jake,” “Goyo,” “Liway,” “Rainbow’s Sunset” at “Signal Rock.”

Ang mga direktor namang sina Chito Roño (Signal Rock), Jerrold Tarog (Goyo), Joel Lamangan (Rainbow’s Sunset), Kip Oebanda (Liway) at Mike de Leon (Citizen Jake) ang mag-aagawan sa best director trophy.

Para sa best actress category, siguradong magiging mahigpit ang labanan nina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs Reyes), Kathryn Bernardo (The Hows of Us), Nadine Lustre (Never Not Love You) at Sarah Geronimo (Miss Granny).

Magpapatalbugan naman sa pagka-best actor sina Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Carlo Aquino (Exes Baggage), Christian Bables (Signal Rock), Daniel Padilla (The Hows of Us), Dingdong Dantes (Sid & Aya), Paolo Contis (Through Night & Day) at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmma-kers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Ian F. Farinas (ng People’s Tonight) bilang presidente. Si Isah Red ang chairman emeritus ng organisasyon.

Read more...