Derek nabwisit sa epal na basher: Wag kang bastos, ikaw ang papansin!

DEREK RAMSAY

SUPALPAL kay Derek Ramsay ang isang basher na bumatikos sa mensaheng ipinost niya sa Instagram para bigyang-pugay ang ABS-CBN.

Nag-post ang Kapuso hunk sa IG ng logo ng 65th anniversary ng ABS-CBN na ilang taon din niyang naging tahanan. Caption niya rito, “Complete respect to everyone at the kapamilya network.

“Thank you for many years of service to all filipinos and to the 6 great years i spent with you,” pahayag pa ni Derek.

Pinusuan ng marami niyang followers ang pa-tribute niya sa Kapamilya Network kasabay ng mga positibong comments. Pero isang netizen na may handle name na @jhearnhel ang nambasag kay Derek.

Pang-ookray nito, “Alam mo Derek, kung di ka pa loyal sa GMA ngayon, bumalik ka na sa dos, kase di namin katanggap tanggap ang mga plastik na artista tulad ni Regine Velasquez.” Nasa ABS-CBN na ngayon ang Asia’s Songbird matapos ang mahabang panahon ng pagiging Kapuso.

Hindi ito pinalampas ng hunk actor at talagang pinatulan niya ang basher, “@jhearnhel wag kang bastos.

I’m happy and loyal to GMA. They are great people. May respeto lang ako sa abs dahil nagtrabaho din ako dun.”

Kung matatandaan, lumipat si Derek sa GMA matapos mag-expire ang kontrata niya sa TV5. Pero bago ito, naging Kapamilya muna ang aktor.

Kaya ang bwelta sa kanya ng basher hindi raw sa ABS-CBN dapat magpasalamat kundi sa Kapatid Network kung saan mas matagal siyang nagtrabaho.

Hirit uli ni @jhearnhel, “No wonder wala kang respect sa TV5, dapat dyan ka rumespeto dahil dyan ka last ng work..nagpapansin ka ba?”

Resbak naman ng aktor, “@jhearnhel ikaw yata bro nagpapansin. I’ve always spoken highly of TV5. I had some of my best years there. I respect your loyalty but there is no need to be rude to prove it.

“Think about your actions buddy and more important think before you speak,” dugtong pa ng leading man ni Andrea Torres sa upcoming series ng GMA na “The Better Woman”.

Hindi pa rin nagpatalo ang hater at humirit pa ng, “@ramsayderek07 Sa bagay nakinabang ka nga pala sa maduming kalakaran ng DATI mong network, kaya full support ka. Diba kuya Jimmy Bondoc.”

Sagot uli ni Derek, “@jhearnhel, look man I have no idea what you are talking about but I hope all of this has brought you happiness in your life.

“You seem to have lots of anger bro and if I have helped you in anyway to let you vent out then that’s a positive. Peace bro.”

Read more...