Kim Ginastusan Ng Libu-libo Ang B-day Ni Xian; Magbabakasyon Sa London Para Makalimot

Kim Chiu at Xian Lim

BABASAGIN na ni Kim Chiu ang kanyang katahimikan pagkatapos ng kanyang pagdadalamhati sa pagyao ng kanyang ina kamakailan. Abangan ang eksklusibong panayam niya sa The Buzz with the King of Talk Boy Abunda ngayong Linggo.

Actually, taped na ang exclusive interview ni Kim with Kuya Boy na mapapanood sa Sunday. By this time, baka nasa London na si Kim. One week siyang mawawala sa bansa ayon sa promo head ng Star Cinema na si Mico del Rosario. Pero dahil malapit nang ipalabas ang movie niya na “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?” kaya nag-advance promo na siya sa The Buzz.

Napigilan kaya ni Kim ang umiyak sa mga tanong ni Kuya Boy tungkol sa kanyang yumaong ina? O crayola pagaspas pa rin siya kapag naaalala niya ito?

About Kim’s special friend Xian Lim, sobrang nagpapasalamat ang aktor kay Kim sa big surprise na ibinigay nito last week para sa kanyang birthday. Hindi niya akalain na magagawa ‘yun Kim for him.

“‘Yung effort pa lang, paano nangyari yun? Naka-organize ng ganito (si Kim), eh ang busy. Kasi nu’ng una ang sabi parang dinner lang daw, usual dinner, tapos nakita ko nandon ‘yung kotse ko, nandon ‘yung friends ko, so nakakabilib,” anito.
Dagdag pa ni Xian, “Nakakatuwa kasi nandon ‘yung family ko, nandon si Kim, nandon ‘yung family niya, so all of us are together, actually very rare kasi nangyayari sa akin yun eh.”

Speaking of Kim, tuwang-tuwa ang Japanese businessman na may-ari ng dinudumog na resto sa may bayside sa likod ng SM Mall of Asia ang Movie Stars Café na si Yasunari Okada habang kinukwento ang pagkikita nila ng tsinitang aktres sa kanyang establishment.

Nag-shooting kasi doon si Kim ng “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?” last month at doon nagkaroon ng chance si Yasunari na ma-meet ang leading lady ni Xian Lim sa movie at makapagpa-picture. Proud pa na ipinakita sa amin ni Yasunari ang picture niya kasama si Kim.

Isa lamang ang Movie Stars Café sa limang negosyo rito sa Pilipinas ni Yasunari. May P100 million daw ang puhunan niya rito. E, bakit nga hindi gayong sa laki ng lupa at kagandang location nito sa bayside, high-tech na mga gamit sa loob ng resto at sandamakmak na Pinoy staff, may production live performances pa mula sa mga sikat na musical films gaya ng “Phantom of the Opera”, “Grease” at “The Lion King.”

Kabilang sa mga nagpe-perform doon si Geoff Taylor at ang younger sister ni Princess Ryan na si Genesis. While sa “Phantom” naman ay ang ginampanan ng theater actor at director na si Terrence Guillermo at ng soprano na si Jenny Garcia.
Admittedly, isa siyang movie fan kaya ganito ang concept ng resto business na pinasok niya. Marami pa raw siyang collections ng mga pelikula sa kanyang bahay. Ilan sa favorite movies niya ang “Matrix” at “Star Wars.”

At dahil movie fan siya, plano rin niya ang mag-produce ng pelikula tungkol sa Pilipinas na pagbibidahan ng Pinoy and Japanese actors. Willing siyang gumastos up to P200 million sa kanyang plano na pagpro-produce ng pelikula dito sa atin.

What’s more interesting about Mr. Okada ay ang sobrang bilib niya sa talent ng mga Pinoy pati na sa kanyang staff. Para sa kanya, ang Pinoy ang pinaka-the best singers in the world. At super love rin niya ang Pilipinas. Kaya he wants to live here forever. Dumami pa sana ang tulad ni Mr. Okada!

READ NEXT
Ganid na KKK
Read more...