‘Siguro naman natuto na si Alex Gonzaga, hindi lahat ng ginagawa niya nakakatawa’

ALEX GONZAGA

ITINULOY pa rin ni Alex Gonzaga ang pagpunta niya sa Parañaque City Hall para personal na humingi ng paumanhin kay reelected Mayor Edwin Olivarez kahit pa wala naman talagang resolusyon na ideklara siyang persona non grata sa siyudad.

Nagpasaring kasi si Alex kay Mayor Olivarez na “may pagkamadugas” daw ang alkalde during a campaign rally sa Parañaque.

Maraming tagaroon ang nagalit dahil sa mga binitawang salita ni Alex lalo na ng mga supporters ni Olivarez at kasunod nga ang balitang idedeklara siyang persona non grata sa Parañaque.

Mabuti na lang at hindi pikon at nanalong muli si Mayor Olivarez kaya madali niyang natanggap ang apology ni Alex. Malawak ang pang-unawa ni Mayor kaya naunawaan niya na bahagi lamang ’yun ng pamumulitika sa ating bansa.

Siguro naman ay natuto na rin si Alex at mag-iingat na siya sa pagbibitiw niya ng mga salita whether nagpapatawa siya o hindi.

Read more...