Magic 16 ng Star Circle 2019 hataw na, kanya-kanyang eksena

STAR MAGIC CIRCLE BATCH 2019

IN FAIRNESS, promising ang 16 miyembro ng Star Magic Circle batch 2019 na ipinakilala kamakailan sa entertainment media.

Ito’y bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng Star Magic. Ilan sa kanila ay nakagawa na rin ng sariling pangalan sa showbiz industry.

The new batch is composed of trusted and rising commercial and ramp model, a budding host, a Halik actor, a political scion, a former boy group member, a young dramatic actress, a grand daughter of celebrated 50’s actress, a Pinoy Big Brother hopeful, a The Voice Kids Season 2 alumni and a promising “Eerie” actress.

Gillian Vicencio: Una siyang nagpakitang-gilas sa horror movie na “Eerie”. Very soon ay mapapanood naman siya iWant original series na Kargo.

Belle Mariano: Nagsimula siya noon bilang miyembro ng Goin’ Bulilit, at nakalabas na rin sa ilang Kapamilya shows tulad ng Maaalala Mo Kaya at Ipaglaban Mo.

Glen Vargas: Nakilala siya noon bilang si Arkin Del Rosario, pero nagdesisyong palitan na ito at gawing Glen Vargas. Nakagawa na rin siya ng ilang pelikula under Viva Films tulad ng “Chain Mail,”“Talk Back and You’re Dead” at “Diary Ng Panget.”

Kendru Garcia: Both a rapper and a composer, Kendru Garcia hopes to pursue his passion for rapping while juggling his career as an actor in the future.

Arielle Roces: Nagsimula siyang mag-work sa corporate world pero mula nang makagawa ng ilang print and commercial ads, nagtuluy-tuloy na ang pagpasok niya sa mundo ng showbiz hanggang sa makapasa na nga siya sa Star Magic Circle 2019.

Eisel Serrado: A combination of beauty and brains, Eisel hopes to become the next big kontrabida on television. Gusto niyang makilala bilang mahusay na character actress.

RA Lewis: Aside from being a ramp model, RA wants to show off his acting talent through a crime or action film. Ready na siyang sumabak sa matitinding challenge.

Javi Benitez: Kahit galing sa mayaman at influential family, pinatunayan ni Javi na kaya niyang gumawa ng sarili niyang pangalan sa mundo ng hosting. Naging part siya ng ANC show na Game Changer at Studio 23’s Sports Kidz.

Aiyana Waggoner: Having already tried out ramp modeling at a local fashion show at the age of 12, Aiyana Waggoner hopes to become both an actress and an international model.

Arabella Del Rosario: Dream niya na makagawa ng mga fantaserye. Na-discover siya matapos magkaroon ng billboard sa labas ng kanilang school.

Anthony Jennings: Bukod sa mga TV commercials, bumida na rin si Anthony iWant original digital show na “Touchscreen” starring Pokwang. Kasama rin siya sa movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello Love Goodbye” at sa bagong serye ng LizQuen.

JC Alcantara: He has already appeared in various TV commercials and Kapamilya shows like Halik and Ipaglaban Mo. Napanood din siya sa pelikulang “Kasal” nina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

Sophie Reyes: Siya ay anak ng singer-actress na si Rina Reyes. Sophie Reyes hopes to make a name for herself by applying what she learned from her theater degree in her future projects.

Melizza Jimenez: Medyo matagal-tagal na rin siya sa showbiz. Ilan sa mga naging show niya sa ABS ay ang Wansapanataym at FPJ’s Ang Probinsyano. Nakasama rin siya sa pelikulang “Barcelona: A Love Untold” ng KathNiel.

Jeremiah Lisbo: Having appeared in a TV commercial for a fast food giant in the past, Jeremiah is set to be part of a LizQuen teleserye soon.

Kyle Echarri: Una siyang minahal ng madlang pipol sa The Voice Kids Season 2. Simula noon nagsunud-sunod na ang projects niya sa ABS-CBN at Star Music. Napapanood siya ngayon sa top-rating Kapamilya Gold series na Kadenang Ginto.

Bukod sa launching ng Star Magic Circle 2019, naglabas din ang Star Magic ng “Journey to the Star Circle” documentary as part of its 27th anniversary which premiered last May 15 and ended in May 22 sa kanilang Facebook page and YouTube Channel.

Hosted by Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, napanood dito ang proseso ng talent discovery and star building sa pagpili ng bagong batch.

Sa May 30 naman ay maglalabas ang Star Magic ng 3-episode documentary pa rin titled “The Making of The Star Magic Catalogue” kung saan mapapanood ang beginnings, evolution, creation and the future of the Star Magic Catalogue.

Ngayong tanghali naman, abangan sa ASAP Natin ‘To ang star-studded 27th Star Magic Anniversary Celebration kung saan literal na babaha ng mga malalaking bituin.

Read more...