INALIS na sa pwesto si Region 4-A Police Dir. Benito Estipona kaugnay sa pagkamatay ng mga lider ng Ozamis Gang na sina Ricky Cadavero at Wilfredo Panogalinga sa Laguna noong Lunes.
Ayon kay Interior Sec. Mar Roxas, si Estipona ay papalitan ni Senior Supt. Jesus Gatchalian.
Bago ito, ay sinibak sa tungkulin ni PNP chief Dir. Alan Purisima ang 14 na tauhan ni Estipona.
Ang 14 ay binubuo ng 10 non-commissioned officer at apat na opisyal kabilang si Supt. Danilo Mendoza, hepe ng Calabarzon Regional Special Operations Group (RSOG), ani Purisima.
Ang iba pang nasibak ay nakilala bilang sina Senior Insp. Manuel Magat, Senior Insp. Fernando Cardona, Insp. Efren Oco, SPO1 Joseph Ortega, SPO1 Jayson Semacas, PO3 Sherwin Bulan, PO3 Ramil Gonzales, PO3 Marvin Mejia, PO3 Eduardo Cruz, pawang mga miyembro ng RSOG; PO2 Conrado Bautista, PO2 Exiel Reyes, PO2 Kristofferson Reyes, at PO1 Ryan Rey Gado, ng Regional Public Safety Battalion.
Ipinataw ang “administrative relief” kasabay ng pagpapakilos ni Purisima sa isang fact-finding group para imbestigahan ang pagkamatay nina Cadavero at Panogalinga, na binaril ng kanilang mga escort sa gitna nang tila tangkang pag-rescue sa kanila ng mga kasabwat Lunes ng gabi.
“Kung may kinakaila-ngan na file-an ng kaso we will not hesitate… Kung kailangang i-dismiss ‘yung mga tao natin, we will dismiss them,” ani Purisima.
Sa isang kalatas, sinabi ng PNP chief na inatasan niya ang Directorate for Investigative and Detective Management na bumuo ng fact-finding team, habang nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang Internal Affairs Service.
Base sa ulat, hinahatid ng mga miyembro ng RSOG sina Cadavero at Panogalinga pabalik sa Calamba City mula sa pagi-inquest sa Cavite, nang maganap ang tila rescue attempt.
Pinagbabaril ng mga armadong naka-motorsiklo ang van na sinakyan nina Cadavero, Panogalinga, at kanilang mga escort nang sunggaban ng dalawang suspek ang baril ng dalawang pulis, kaya sila binaril.
PNP general, 14 iba pa sibak sa ‘Ozamis 2’ slay
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...