HOW true na hindi pa naibabalik ng mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff ang kinukwes-
tyon na payment niya sa maanomalyang carinderia project ng Department of Tourism?
Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkwento sa amin na wala pa raw natatanggap ang DOT mula kay Erwan. Sa past interview sa kanya ay nagsabi raw itong isosoli ang halagang ibinayad sa kanya from the project.
Although, may mga tsika naman na isinoli na raw ng mister ni Anne ang bayad sa kanya na diumano’y worth P1 million sa taong kumuha rin sa kanya for that project. If true, saan kaya napunta ang P1 million?
Pero may tsika rin na hanggang ngayon ay connected pa rin si Erwan sa DOT. Kinuha raw siyang “celebrity endorser” ng kagawaran to promote our country. Kaya ‘yung mga ginagawa ni Erwan sa kanyang travel show sa social media ay pinopondohan allegedly ng DOT.
Mukhang “approved” naman daw kasi kay DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat si Erwan bilang “celebrity endorser” ng kanyang departamento.