Bong sa bashers: Tuturuan ko silang mag-budots

BONG REVILLA

Mapaglaro talaga ang tadhana.

Ang #11 spot sa mga nagwaging senador ay finally napasakamay ni Bong Revilla, ito’y makaraan ng akyat-babang puwesto niya in a mad scramble with Sen. Bam Aquino and Sen. Nancy Binay na nasa 12th spot.

With the “Budots King” finally making ito to the Magic 12, inaantabayanan ng madlang pipol kung sinong mga kabaro niya ang kanyang “tatrabahuhin,” hmmm, not necessarily an act of revenge.

Pero kung sinuman ‘yon, Bong had better “budots” his way to pinning him or her down, or them with success.

Sabi nga niya sa isang inerview, “Tayo ay magpe-perform sa Senado. Hindi tayo magsasayaw lang diyan.

And don’t worry du’n sa mga ano (bashers) tuturuan ko sumayaw ng budots para di sila masyadong seryoso sa buhay.”

Read more...