MAPATAAS ang antas ng husay at galing ng mga batang taekwondo jins na mga gold, silver at bronze medalist sa iba’t ibang torneo sa loob at labas ng bansa ang hangad ng Kasilawan Taekwondo Club of Makati upang sila ay maging pangunahing pambato ng bansa sa Southeast Asian Games at iba pang mga international tournament.
Ayon kay coach Gani Domingo, ang mga miyembro ng Kasilawan Taekwondo Club of Makati na sina Kristiana Catalina Tiu, Justin Agno, Aldrich Vincent Paul Merin, Charles Benjamin Gavan, Victor Rodriguez, Tatiana Batalla, Patrick Odrada, Rafael Ongkiko, Marco Julio Tiu, Serena Batalla, Diana Supangan, Lavaine Ashanty Valeroso, Pearl Angeline Torrico, Lex Provido at Kenji Uchida ay pawang ineensayo na nang husto laban sa mga prominenteng taekwondo jins ng bansa.
Sina Tiu at Agno ay mga gold medalist sa Asian Taekwondo Federation at Carlos Palanca Jr. Taekwondo Championships habang si Merin ay nakaginto sa Carlos Palanca Jr. Taekwondo Championships at Batang Pinoy. Sina Gavan at Rodriguez naman ay naka-gold sa NCR meet habang si Tatiana Batalla ay gold medalist sa Smart New Face tournament.
Sina Odrada at Tiu ay naging silver medalist sa Carlos Palanca Jr. Taekwondo Championship, si Ongkiko ay nag-uwi ng silver sa medalist sa Asian Taekwondo Federation at NCR meet, si Serena Batalla ay nakapilak sa WNCAA at si Supangan ay nakakuha ng silver sa NCR meet.
Sina Valeroso, Provido at Uchida ay mga bronze medalist sa Carlos Palanca Jr. Taekwondo Championship habang si Torrico ay naka-tanso sa Batang Pinoy at NCR meet.
Bukod sa dumaan na sa masusing ensayo ay nabigyan na rin ng scholarship ng Ateneo at La Salle ang mga batang jins upang maging handa sa pagpasok sa NCAA at UAAP tournaments.