Trabaho sa mga Pinoy teachers sa Thailand

MAS maraming Filipino English teacher ang malapit nang magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho sa Thailand

Ang kasunduan para sa pagdedeploy ng English teacher ay upang matugunan ang pangangailangan ng Thailand sa ilalim ng “English for All” Project sa Eastern Economic Corridor (EEC).

Nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng labor department at ng Thailand Ministry of Employment hinggil dito.

“Ang mga Filipino teacher ang napiling nasyonal ng pamahalaan ng Thailand dahil sa husay at galing ng ating mga guro sa pagtuturo ng English,”

Sa ilalim ng mungkahing kasunduan, ang mga Filipino teacher ay magtatrabaho sa Ministry of Education ng Thailand upang magturo sa mga estudyante na nasa primary at secondary level sa pampublikong paaralan.

Ang mga Filipino teacher na magtatrabaho sa ilalim ng nasabing programa ay makatatanggap ng 25,000 baht kada buwan o P45,000, kasama na dito ang housing allowance.
Kabilang sa iba pang benepisyo ang personal accident insurance at round trip airfare at work permit fee na sasagutin ng pamahalaan ng Thailand.

Maliban sa mga English teacher, bubuksan din ng Thailand ang iba pang oportunidad sa trabaho sa mga foreign professionals para sa engineering, architecture, medicine, accounting at dental medicine.

Sa ngayon may 16,704 overseas Filipino workers sa Thailand, kung saan 11,848 ay mga professional, na karamihan ay binubuo ng mga teacher, musician at iba pang professional na nagtatrabaho sa mga multinational company. ###Abegail De Vega/gmea
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...