NAGPULONG ang mga kinatawan ng mga nanalong partylist group at hinarap ang ilan sa mga nagnanais na maging speaker ng susunod na Kongreso.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, inaasahan nila na aabot sa 50 kongresista ang sasanib sa Partylist Coalition ng 18th Congress.
Humarap sa pagpupulong si lna Leyte congressman-elect Ferdinand Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Taguig congressman-elect Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Velasco, marami sa mga nanalong partylist group ay kaalyado ni Pangulong Duterte kaya inaasahan na mabilis na maipapasa ang mga panukala na kailangan ng administrasyon.
Ipinaalala ni Velasco ang kahalagahan na matulungan ng mga partylist group ang sektor na kanilang kakatawanin sa Kamara.
MOST READ
LATEST STORIES