SA pagdiriwang ng ika-27th year ng Star Magic, ipinakilala na ang 16 bagong talents ng ABS-CBN na inaasahang hahataw ngayong 2019.
Ang ilan sa kanila ay may projects na kaya pamilyar na sila sa mga dumalong entertainment press/online writers/bloggers.
Ang 16 Star Magic Circle 2019 ay binubuo nina Gillian Vicencio, Belle Mariano, Glen Vargas, Kendru Garcia, Arielle Roces, Eisel Serrano, RA Lewis, Javi Benitez, Aiyana Waggoner, Arabella del Rosario, Anthony Jennings, JC Alcantara, Sophie Reyes, Melizza Jimenez, Jeremiah Lesbo at Kyle Echarri.
Sa mga bagong mukha ay natuwa kami na karamihan sa kanila ay nakatapos na ng pag-aaral dahil alam nila na kapag inuna nila ang pagpasok sa showbiz ay baka tamarin na silang ipagpatuloy ito.
Kaya naman maraming humanga sa kanila dahil ang gagaling nilang sumagot at ang iba sa kanila ay dean’s lister at cum laude pa.
Anyway, dahil open ang audition para sa “Darna” kaya natanong ang bagong batch kung sino sa kanila ang nag-try ng kanilang luck.
Unang nagtaas ng kamay si Melizza, “Ipinatawag lang po kami last month before Miss Liza Soberano came out in the news. Hindi po ako masyadong hopeful at first, but I’m prepared and excited. I really prepared the lines well and natuwa naman po si Direk Jerrold Tarog.
“Tinanong niya po ako kung marunong ako sa sport, sabi ko I do boxing and natuwa naman po siya about that and sabi niya let’s see. Right now important sa akon ay self-care, ang importante sa akin I work out every day. Sa audition po, natuwa naman po sila, so let’s see,” aniya pa.
Sinundan ni Arielle, “This was just last week po kasi bata pa po ako, hindi ko po expected saka hindi naman po ako mukhang Darna. Nu’ng nag-audition po ako, grabe ang hirap ng lines, kasi you have to feel po talaga na you’re Darna in front of few people.
“Pina-feel po talaga na ako si Darna tapos may sound effect na ‘beng-beng’ so nahirapan po ako doon. It was very fun and challenging po talaga kasi ang dami kong nalaman at ang daming nalaman po para maging si Darna po,” kuwento pa ng baguhang young actress.
Samantala, hindi naman ikinaila ng bagong batch na gusto nilang mapabilang sa “Darna” movie ng Star Cinema dahil malaking project ito para sa mga baguhang tulad nila.