Jose ipinalit kay Joey bilang StarStruck judge


PATUTUNAYAN ni Jose Manalo na karapat-dapat siyang maging judge sa Starstruck Season 7 with Cherie Gil and Heart Evangelista.

Ngayon pa lang kasi ay kinukuwestiyon na ng ilang netizens kung bakit daw nakasama bilang hurado ng reality talent search ng GMA ang Eat Bulaga host.

Balitang si Jose ang ipinalit ng GMA kay Joey de Leon na isa sa mga naging council member ng apat na season ng StarStruck.

Yes, matinding challenge at pressure para kay Jose ang maging StarStruck judge kaya kailangang galingan niya.

Read more...