12 nanalong senador opisyal na

NGAYONG araw ang proklamasyon ng 12 nanalong senador sa nakaraang midterm elections, kabilang ang limang nakaupong senador, apat na nagbabalik at tatlong baguhang magiging miyembro na ng 18th Congress na magbubukas muli sa Hulyo.

Nanguna si reelectionist Sen. Cynthia Villar na may 25,283,727 boto, na sinundan ni reelectionist Sen. Grace Poe, na may 22,029,788 boto.

Pangatlo naman si dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na may  20,657,702 boto at pang-apat si dating senador at Taguig Rep. Pia  Cayetano, na may 19,789,019 boto, at panglima si dating Bureau of Corrections chief Ronald “Bato” dela Rosa, na may 19,004,225 boto. 

Narito naman ang iba pang pumasok sa Magic 12:

6th: reelectionist Sen. Sonny Angara – 18,161,862 boto

7th: aktor at dating senador Lito Lapid – 16,965,464 boto

8th: Ilocos Gov. Imee Marcos – 15,882,628 boto

9th: dating presidential political adviser Francis Tolentino – 15,510,026 boto

10th: reectionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III – 14,668,665 boto

11th: aktor at dating senador at Ramon “Bong” Revilla Jr. – 14,624,445 boto

12th: reelectionist Sen. Nancy Binay – 14,504,936 boto. 

Magsisilbi ang 12 nanalong senador hanggang 2025.

Mawawala naman sa Senado sina outgoing Sen. Bam Aquino, Sen. JV Ejercito, Sen. Francis “Chiz” Escudero, Sen. Loren Legarda, at Sen. Antonio Trillanes IV.

Read more...