Laban vs illegal recruiter | Bandera

Laban vs illegal recruiter

Liza Soriano |May 22,2019
facebook
share this

Laban vs illegal recruiter

Liza Soriano - May 22, 2019 - 12:15 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ang pinsan ko po ay umalis ng bansa nito lamang Enero para maging babysitter sa bansang Qatar. Nakita niya ang offer sa isang FB account na nagsasabi na malaki ang sweldo bilang babysitter at walang gagastusin kaya nagkainteres siya na magtrabaho sa nasabing bansa. Napakabilis ng proseso ng kanyang pag-alis na labis namin ikinabigla.
Ngunit makalipas ang dalawang linggo ay nakatanggap ako ng tawag mula sa umiiyak kong pinsan. Ang sabi niya ay masyado raw siyang nahihirapan sa trabaho dahil hindi lamang pag-aalaga sa bata ang kanyang trabaho kundi naging katulong na rin na all-around ang trabaho.
Kaya dahil sa labis na kalungkutan at hirap ang katawan ay nagdesisyon kami na padalhan siya ng pasahe at pauwiin na lamang.
Nalaman din namin na hindi pala lisensiyadong agency ang kumuha sa kanya sa trabaho.
Sa ngayon ay nakauwi na ang pinsan ko. Gusto lang po sana namin na malaman kung ano ang dapat namin na gawin laban sa agency na nagpaalis sa kanya. Sana ay matulungan ninyo kami . Salamat po.
Anabelle Domingo
Brgy Tunasan, Muntinlupa City

REPLY: Talagang naglipana ngayon ang mga false advertisement. Very attractive ang kanilang ino-offer para maengganyo ang mga tao na tangkilikin ang kanilang iniaalok.
Yan nga offer nila ay hindi naman iniaalok ng mga normal or legal egency.
Kaya pinapayuhan ang publiko na huwag maniwala sa mga lumalabas na advertisement lalo na gamit ang social media gaya ng Facebook.
Dapat gawin ay i-verify agad sa POEA kung lehitimo ang agency na nag-aalok ng trabaho.

Maaring maghain ng reklamo sa POEA at OWWA laban sa ahensya na ilegal na nagsasagawa ng kanilang operasyon.

Maarin din na makasuhan sa DOJ ang illegal recruitment.

ANG LABAN VS
TIWALING RECRUITER

Malaking bahagi ng pagbigay ng proteksiyon sa OFW ang pagbabantay at pagsupil sa mga tiwaling lisensyadong recruiter. Tandaan po natin na ang “lisensya” ay hindi karapatan para gawin ang lahat ng kahit anong gustong gawin ng recruiter. May mga patakaran o regulasyon tungo sa makatao at ethical na recruitment na dapat tuparin at sundin. Ang resulta ng paglabag sa mga regulasyon na ito, na nagsisilbing kondisyon o pangako sa sambayanan para makapag-recruit, ay ang pagbawi ng lisensiya. Ang kaso po ng paglabag ng regulasyon para sa makataong recruitment ay may hearing at pagkakataon para makapagpaliwanang ang recruiter. Wala pong cancellation ng lisensiya na nagaganap nang walang proseso.
Sa katunayan, lahat ng cancellation o suspension ng recruiter ay reported ng may buong detalye ng kaganapan sa POEA web site at Facebook, at sa sarili ko pong Facebook page. Wala po tayong tinatago, dahil transparent po ang ating pagbibigay ng hatol sa mga tiwaling recruiter.
Unang-una, kailangang maunawaan na talamak ang pang-aabuso o alegasyon ng pang-aabuso ng mga tiwaling ahensiya. Umaabot sa pataas na bilang na 5,000-7,000 ang mga sumbong reklamo na natatanggap namin sa POEA kada taon. Napakarami po nito, lalo na kung isipin natin na 1,200 lang ang recruitment agencies.

USec Jing Paras

DOLE

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending