PURO halakhakan ang maririnig mula sa isang umpukan na nagpipista tungkol sa matinding pagkabigo na nararamdaman ngayon ng isang pamilyang-showbiz.
May source kasing nagkuwento na ang pagiging simangutera ng mga anak ng kandidato ang naging dahilan kung bakit ito natalo. Idagdag pa ang simangutera ring ina ng magkapatid, kaya ayun, “Lotlot de Leon” ang pulitiko.
Kuwento ng aming source, “Naku, heto na, pinagkukuwentuhan sa lugar nila ang mga factors kung bakit natalo ang manok nila nu’ng nakaraang eleksiyon.
“Kasi nga, malakas daw ang minamanok nila, wala raw katalu-talo, pero nu’ng magbilangan na, e, isang barangay lang ang ipinanalo nila! Bakit?
“Kasi raw, e, ngayon lang naman nila nakikitang ngumingiti sa stage ang magkapatid! Dati raw, kapag nakikita nila ang mag-utol na ‘yun, e, palaging nakasimangot!
“So, feeling ng mga kababayan nila, e, masyadong selective ang pagngiti ng magkapatid, kapag may kailangan lang, kapag may hinihingi lang silang suporta!” napakadiing komento ng chikadora naming impormante.
At ngayon lang nalaman ng grupong magkakaumpukan na hindi naman pala lumalabas sa kanilang bahay ang magkapatid na ito. May mga imbitasyon para sa kanila na maki-join sa mga aktibidad ng kanilang subdivision pero kahit minsan ay hindi naman sila nagpakita man lang.
Patuloy ng aming source, “Ano tuloy ang nangyari? Kung tinamad sila nu’n sa pagpunta sa mga invitation sa kanila, tinamad din ang mga utaw na iboto ang fadir nila! Waley talaga! Kung anu-ano pa ang mga sinasabi nila sa stage na kesyo ganito at ganyan ang kalaban ng tatay nila, pero ano pa rin ang nangyari?
“Super-olats si fadir! Walang-walang suportang nakuha sa mga kababayan nila. Markado rin ang madir nila na palaging nakikialam sa kampanya!
“Ano ba naman si madir? Pati kuno lafang ng mga supporters nila, e, pinakikialaman! Umandar na naman ang pagiging kuring ng mommy ng mag-utol!
“Matuto kasing ngumiti, may eleksiyon man o wala! Huwag tatawa kapag may kailangan lang na tulong! ‘Yun lang!” inis na pagtatapos ng aming source.
Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa bang i-memorize kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito?