Iñigo Pascual susubukan ang career sa US, ginastusan ng ABS

IÑIGO PASCUAL

Isa pala si Iñigo Pascual sa ginastusan ng ABS-CBN patungong US para sa makipag-collaborate sa international producers na nag-produce ng album nina Kanye West at Justin Bieber.

“ABS-CBN initiative, they chose several artists and out of five, apat ang Cornerstone, sina Inigo, Moira, Jayda (Avanzado) at KZ (Tandingan). At ‘yung hindi amin, si Jona,” paliwanag ni Erickson.

Halos lahat sa mahigit na 100 talents ng Cornerstone ay moneymaker kaya nagpapasalamat si Erickson,

“Last year was our best year and this year. Our goal is always on top.”

Bukod dito, magkakaroon din ng concert sina Angeline Quinto at K Brosas sa Araneta Coliseum, “Ang pamagat ‘Angeline K Toh, Concert Namin ‘Toh’ sa July, it’s a music and laughter. Tapos si Moira by August, Araneta rin. Dapat may KZ din kaso hindi na kakayanin dahil marami siyang tour kaya move namin next year,” saad pa ni Erickson.

Halos lahat din ng ipinalalabas na digital series sa IWant ay hindi pa nababawi ang puhunan maliban sa most viewed tulad ng “Glorious” (movie), Hush (series) at Bagman (series).

Ang mga teleseryeng ipinalalabas sa ABS-CBN na napapanood na rin ngayon sa IWant ang nanatiling most viewed pa rin.

Rason ni Erickson kaya nag-digital na rin ang Springs Films, “It’s the future, eh. So it’s good na early as now magsimula na. Sa ngayon hindi pa, parang broadcast din naman ‘yan, siyempre pipiliin mo pa rin, pero ang kagandahan sa digital mas daring ‘yung mga konsepto.

“I have creative directors, we have nine directors in Cornerstone so aside from the movie, itong digital platform allows it to put into life. Pag sa TV may MTRCB so limited. So most of the directors we handled are also writers,” aniya.

Parami nang parami ang artists ng Cornerstone at maraming gustong magpa-handle sa kanila pero hindi lahat ay tinatanggap ni Erickson.

Read more...