HINDI pinapasok si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hong Kong dahil sa pagiging “security threat.”
Kinumpirma ng abogadong si Anne Marie Corominas ang naging karanasan ni Morales.
“She was held in a separate room, separated from her family and she was told she was a security threat,” sabi ni Corominas.
Idinagdag ni Corominas na nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad, bagamat kinuwestiyon ang naging rason ng Hong Kong immigration para hindi papasukin si Morales
“Former Ombudswoman Carpio-Morales has over 50 years of unblemished record in government service. I don’t know what the security threat (is) unless President [Xi Jinping] is afraid of her,” ayon pa kay Corominas.
“We’re just asking how can a 78-year old former anti-corruption Ombudswoman be a security threat to China,” dagdag ni Corominas.
Nakatakdang umuwi pabalik ng Maynila si Morales kasama ang kanyang pamilya ganap na alas-6 ngayong gabi.
Matatandaang nagsampa si Morales, kasama si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court sa harap ng “atrocious actions of Chinese officials in the South China Sea and within Philippine territory”.