Halalan 2019 ng ABS-CBN waging-wagi sa ratings; umani ng 50M page views online


MAS maraming nanonood at tumutok sa Halalan 2019 election coverage ng ABS-CBN News sa TV at online noong Mayo 13, kung saan ibinandila ang boses ng Pilipino.

Nagwagi ang ABS-CBN nationwide mula umaga hanggang gabi ayon sa datos mula sa Kantar Media sa pangunguna ng TV Patrol na nakakuha ng rating na 29.2%. Mas marami ring nanood ng Halalan 2019 sa umaga at hapon, sa rating na 5.7% at 12.7%. Panalo rin ang Bandila with 6% rating.

Hindi lang sa TV nanood ang mga Pilipino sa buong mundo. Binantayan rin ng mga netizen ang botohan online sa ABS-CBN News sites na nakakuha ng 46.7 milyong page views noong May 13 at May 14, halos 434% ang itinaas nito kumpara sa karaniwang araw.

Nagpasalamat rin ang mga netizen sa website ng Kapamilya network na halalanresults.abs-cbn.com dahil madali ito gamitin, basahin, at aralin, at may mga real-time na impormasyon mula mismo sa opisyal na datos ng Commission on Elections.

Ayon sa Twitter user na si @paviloves, “Ang galing ng pagkakagawa ng website ng ABS-CBN para sa election results. Talagang makikita mo ang hinahanap mo. Kudos!”

Pinuri rin ni @bessie_2012 ang ABS sa paghahatid nito ng mga mainit na balita, “I salute ABS-CBN for sticking to the coverage of the elections, no hidden agenda!”

Nanguna rin ang ABS-CBN News sa social media kung saan nag-trending ang hashtags na #Halalan2019,

#HalalanResults, at #HalalanAberya. Umani rin ng 2.6 milyong interaksyon ang Facebook pages ng ABS-CBN News, ANC, TV Patrol, at DZMM noong Mayo 13 at Mayo 14, samantalang 296,000 na interaksyon naman ang itinala ng mga Twitter account na ito sa dalawang araw.

Nanguna sa paghahatid ng mainit na balita noong “Halalan 2019: Ipanalo ang Boses ng Pilipino” coverage sina Noli de Castro, Ted Failon, Karen Davila, Julius Babao, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, Zen Hernandez, Alvin Elchico at Anthony Taberna, kasama sina Gretchen Ho, Amy Perez at Kim Atienza, na nagsalitan para ihatid ang mga pangyayari noong eleksyon.

Tinupad rin nila ang pangako ng ABS na ibandila ang boses ng Pilipino, at inilahad ang mga kwento at karanasan ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang presinto sa buong bansa at ibang parte ng mundo sa tulong ng ABS-CBN Regional at ng mga ABS-CBN News bureau sa ibang bansa.

Patuloy na tutukan ang mga balita tungkol sa eleksyon sa ABS-CBN, ANC, DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, news.abs-cbn.com, at patrol.ph.

Read more...