Singer-nurse Nick Vera Perez kinilala ang showbiz press; manager na rin

NAKAKA-TOUCH ang giawang pagkilala ng Chicago-based singing-nurse na si Nick Vera Perez para sa ilang members ng entertainment media na patuloy na tumutulong sa mga Pinoy artists.

Talagang nag-effort ang Team Nick para makasalo ang mga kaibigan niya sa media sa isang bonggang dinner at mini-concert titled “An Evening of Press Appreciation” na ginanap sa Rembrandt Hotel. At bukod diyan, binigyan din niya ng mga medal at plaque ang mga naimbitahang press.

“I really appreciate lahat ng support ng mga press. For the last three years we have presscon pero mabilisan lang. so, this night is for you, the food is for you, enjoy tayong lahat and I hope that I can make you happy tonight in my own little way.

“I want to honor the press kasi you’ve helped me a lot in my transition to the Philippines,” ani Nick.

Ilan taon na ring pabalik-balik ang singing nurse sa Pilipinas at Amerika para sa kanyang mga commitments bilang performing artist. This year, ipino-promote naman niya ang kanyang “I Am Ready” album.

Nabanggit din niya na sa 2020 ay pinaplano na nila ang kanyang malaking concert na gaganapin sa Music Museum. After this, aasikasuhin na rin nila ang gagawin niyang concert sa iba’t ibang bahagi ng Asia kasabay ng pagpe-prepare sa kanyang second album.

Aside from being a singer, nagsimula na rin maging talent manager si Nick sa pamamagitan ng pag-discover ng mga bagong talents, “Because I build my own company sa States which is NVP1 World, we recruit new talents, so Rozz Daniels is a product. Just like me she is just starting but she is full of energy.

“So far, she is well-received by the crowd. Aside from that ‘yung Soul of One, we want to introduce them individually this time. Kasi before group sila, so now we want you to see them kung gaano sila ka-effective at kagaling individually. And of course, nandiyan pa rin si Erika (Mae Salas),” aniya pa.

Nang tanungin kung sinu-sino sa mga kilalang Pinoy artists ang gusto niyang makasama sa mga susunod niyang projects, una niyang binanggit ang pangalan ng Concert King na si Martin Nievera na malaki ang impluwensiya sa kanya.

Kaya naman wish talaga ni Nick na maka-duet ang tinaguriang Concert King ng bansa, “Sana makasama ko siya at maka-duet sa concert.”

Talagang nasa puso na ni Nick ang pagkanta kaya makikita sa kanya ang determinasyon na ipagpatuloy ang kanyang passion. Naniniwala siya na kapag determinado ang isang tao sa pag-abot sa kanyang mga pangarap, ibibigay talaga ito ng Diyos.

Hindi rin daw hadlang ang katayuan o edad ng isang tao para makamit ang tagumpay, “Music and arts do not really have age limits and boundaries. I don’t conform to any rules. I do my own thing and stand by them.”

Matagumpay din ang isinasagawa niyang “I Am Ready Album Mall” and Campus Tours P3. Ginanap ang unang mall show ni Nick sa SM City Gensan noong nakaraang May 8, at tatagal ito hanggang June 21, 2019.

Read more...