Personalan: Luis, Alex mala-Tom & Jerry ang relasyon

ALEX GONZAGA AT LUIS MANZANO

BIGLANG nawala si Alex Gonzaga sa presscon ng Home Sweetie Home Extra Sweet na napapanood sa ABS-CBN every Saturday.

Hindi tuloy siya nakunan ng reaksyon sa balitang idedeklarang persona non grata si Alex ng Parañaque City dahil sa mga sinabi niya laban sa mayor ng siyudad na si Edwin Olivarez.

Ayon sa staff ng ABS-CBN Corpcom, may recording pa kasi si Alex para sa PBB Otso. After the presscon, nagkataon na nadaanan kami ni Alex sa labas ng ABS-CBN.

Papunta na ng PBB house si Alex kaya sinamantala na namin ang pagkakataon na kunin ang side niya tungkol sa bantang persona non grata laban sa kanya.

Sabi ni Alex nagpaliwanag na siya tungkol sa isyu habang nagmamadaling naglalakad. Kaya hindi na kami nakapag-follow-up ng tanong kung kanino siya nagpaliwanag.

“Mag-uusap kami. Pupuntahan ko sila,” sabi pa ni Alex sa amin.

Kasabay nito ang balita mula mismo sa opisyales ng Parañque na wala naman daw silang ibinababang resolusyon para ideklarang persona non grata si Alex sa kanilang syudad.

Sa kaugnay na isyu, nagbigay ng pahayag ang ate ni Alex at at bida ng Home Sweetie Home Extra Sweet na si Toni Gonzaga. Meron daw natutunan ang kanyang kapatid sa pangyayari. Magmu-move on na raw si Alex at babaunin nito ang lessons na natutunan niya.

Magkasama na sa Home Sweetie Home ang mag-ate. Last Saturday natunghayan ng televiewers ang paglipat ni Toni na gumaganap bilang si Julie sa bahay ng kanyang Tita Oya (Rio Locsin). Nasunog kasi ang bahay nila sa season ender ng sitcom.

Sakto naman na pumayag din si Tita Oya na tumuloy muna ang half-sister ni Julie na si Mikee na ginagamapan ni Alex pagkatapos makulong ang nanay nito.

Maliban dito, nagkaroon din siya ng mga bagong kaibigan sa katauhan nina Pip (Luis Manzano), Edwin (Bayani Agbayani), at Ferdie (Vhong Navarro).

Patuloy na tangkilikin ang kwento ni Julie at ng kanyang bagong pamilya sa Home Sweetie Home tuwing Sabado pagkatapos ng TV Patrol.

Read more...