Vico kay Coney: I will always be your baby!

GRABE ang ingay ng pagkapanalo ni Vico Sotto bilang mayor ng Pasig City nitong nakaraang eleksyon. Talagang sinubaybayan ng madlang pipol ang kanyang political career at private life matapos matalo ang kanyang kalaban.

In fairness, biglang dumami ang fans at admirer ng 29-year-old son nina Vic Sotto at Coney Reyes. Instant heartthrob ang dating niya ngayon sa maraming girls and gays.

Mas lalo pa silang humanga kay Vico nang malaman kung gaano niya kamahal ang kanyang parents lalo na ang kanyang inang si Coney. Pinusuan ng maraming netizens ang super sweet behind-the-scenes photo nilang mag-ina noong iproklama siya sa Pasig.

Mensahe ni Vico sa kanyang nanay, “Thank you for being so supportive all throughout the gruelling campaign season. I love you! No matter what happens, I will always be your baby!”

Para naman kay Bossing Vic, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala na may anak na siyang mayor. Promise niya kay Vico, 100% pa rin ang ibibigay niyang suporta sa anak kahit anong mangyari.

Read more...