Magnitude 4.5 lindol naramdaman sa Ilocos Norte

NIYANIG ng magnitude 4.5 lindol ang Ilocos Norte ngayong hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naramdaman ang lindol alas-2:20 ng hapon. Ang epicenter nito ay 31 kilometro sa kanluran ng Pagudpud at may lalim na apat na kilometro.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig na ito ay aftershock ng magnitude 5.4 lindol sa Ilocos Norte noong Mayo 6.

Naramdaman ang Intensity IV sa Pagudpud.

Intensity III naman sa Bangui, Burgos, at Pasuquin, Ilocos Norte.

Intensity II naman ang naitala sa Laoag City.

At Intensity I sa Sinait, Ilocos Sur; at Claveria, Cagayan.

Read more...