5-anyos na batang babae pinatay; isinilid sa loob ng bag sa Laguna
SINAMPAHAN ng pulisya ng kasong murder ang isang suspek na nasa likod ng pagpatay sa limang-anyos na batang babae sa Sta. Cruz, Laguna.
Kinilala ni Police Major Jojo Sabeniano, spokesperson ng Laguna police, ang suspek na si Glenn Ford Manzanero, 30.
Iniulat ng pamilya ang pagkawala ng bata sa Barangay Patimbao noong Linggo.
Sinabi ni Police Col. Armie Agbuya, chief of Sta. Cruz police, na huling nakita ang biktima na naglalaro sa labas ng kanilang bahay.
Idinagdag ni Agbuya na may mga testigo na nakakita na kasamang umalis ni Manzanero ang bata.
“The suspect lured the victim with a mais-con-yelo (a dessert). She knew him because they were neighbors,” sabi ni Agbuya.
Ayon kay Agbuya, ganap na alas-9 ng gabi nang iulat ng isang kamag-anak ni Manzanero na natagpuan ang bangkay ng biktima sa kanilang kusina.
Nagtamo ang bata ng mga hiwa sa leeg mula sa mapurol na kutsilyo at sinaksak pa ng screwdriver.
Ani Agbuya inilagay din ang katawan ng biktima sa malaking pink na bag na gawa sa sako.
“The relative of (Manzanero) asked him, ‘What’s inside the bag?’ And the suspect said, ‘There’s a girl inside,’” sabi ni Agbuya.
Inaresto ng mga pulisya si Manzanero na umamin sa krimen, ayon kay Agbuya said.
Sinabi ni Manzanero na naka-high siya sa droga nang tangayin niya ang bata.
Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy para matukoy ginahasa ang biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.