PINAGTITRIPAN ngayon sa social media ang isang kilalang female personality na nakikisali rin sa tropa ng mga artistang mahilig makisawsaw sa usa-ping-pulitika.
Komento kasi siya nang komento, kaya ayan tuloy, pinepersonal siya ng mga bashers. Kung bakit naman kasi nakiki-join pa ang babaeng personalidad na ito sa pagkontra sa mga pulitikong nahalal.
Kuwento ng aming source, “Alam na alam ng marami ang political color ng babaeng ‘yun, kasi, kaibigan niya ang isang female perso-nality na de primerang ganu’n din ang kulay!
“Wala namang problema kung may mga minamanok siyang politicians, karapatan niya naman ‘yun bilang botante, pero huwag na sana siyang umeepal pa!
“Porke ba ate-ate niya ‘yung female personality at hatag nang hatag ng kung anu-ano sa kanya, e, maki-kisali na siya sa pangnenega sa mga pulitikong hindi nila kaalyado?” umpisang chika ng aming impormante.
Tuloy ngayon ay mara-ming nagpapayo sa kanya na tumahimik na lang. Pinepersonal din siya, pati ang mga lihim na ayaw niyang aminin ay nabubungkal, ‘yun ang napala ng female personality.
Sabi uli ng aming source, “Nakakaloka ang mga salitang ibinabalik sa kanya ng mga netizens na hindi pabor sa mga ipino-post niya. Personal!
“Kasi raw, e, mahina na ang pang-amoy niya, hindi na raw kasi siya makahinga dahil sa sobrang liit ng retokado niyang ilong! Dahil sa liit ng butas ng nose niya, ang sabi ng mga umuupak sa kanya, e, wala na rin siyang naaamoy sa mundo ng pulitika dito sa atin!
“Ayan, eepal-epal siya, ano ang napala niya? Pati ang ilong niyang nananahimik na da-pat, e, nakakalkal pa! Hindi raw siya nagparetoke ng ilong niya, kaya may naghamon pa sa kanya na magkita sila sa Greenhills, dahil pupuntahan nila ang doktor na nagpata-ngos ng ilong niya!
“Kundi siya umepal-epal, e, di wala sanang ganyan? Naku, pangaralan n’yo ang babaeng ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, para manahimik na siya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.