Gerald umaming playboy; may ‘kilig’ pa rin kay Kim

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

INAMIN ni Gerald Anderson na may bahid ng katotohonan ang chika na isa siyang “playboy”.

Sa nakaraang episode ng Tonight with Boy Abunda buong tapang na sinabi ng binata na totoong may pagka-playboy siya noong kabataan niya, “I’ve had that stage, dumaan ako doon.”

Affected daw siya noon kapag sinasabihan siyang babaero pero ngayon daw ay nasanay na siya at hindi na niya ito masyadong binibigayan ng atensyon.

Samantala, nagpaliwanag din ang boyfriend ni Bea Alonzo sa panunukso sa kanila ng ex-GF niyang si Kim Chiu sa isang episode ng It’s Showtime. Guest co-host si Kim sa noontime show habang nag-promote naman siya sa bago niyang pelikula.

“Nakakatuwa lang, kasi wala ako dito ngayon, if not for her—to have that kind of dynamics pa rin, you know it’s nice,” sey ni Gerald, na inaming kinausap talaga niya si Kim matapos ang asaran.

“Just to greet her a belated happy birthday. May small talk ng konti. We were talking about yung nangyari sa stage,” kuwento ng binata.

In fairness, marami ang natawa at kinilig sa naturang episode patunay lang na matindi pa rin ang chemistry ng Kimerald.

Read more...