DA who ang isang opisyal ng gobyerno na napaka balat-sibuyas kung saan laging pinipersonal ang mga banat sa kanya kayat tinagurian siyang Mr.
Patola.
Hindi lang ilang beses ang kapalpakan ng isang government executive sa kanyang posisyon.
Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang pagresbak ni Mr. Official sa mga tingin niya ay namemersonal sa kanya.
Lagi kasing palpak at sablay ang mga hirit ni government exec kayat laging laman ng mga balita.
Dahil siya ang sentro ng mga balita, naging topic siya sa mga komento sa mga programa.
Nang tawagan siya ng isang komentarista para hingan ng reaksyon, dun na bumanat ang opisyal.
Dahil sa balat-sibuyas, binalikan ni Mr. Official ang anchor at sinabihan na bukod tangi daw siyang sini-single-out.
Laking gulat naman ng anchor nang akusahan siya sa pagsasabing binabasa lamang niya ang headline ng mga balita kung saan siya ang binabanggit.
Para hindi na humaba ang kanilang diskusyon, deadma na lamang ang anchor sa sinabi ni Mr. Official at nagpasalamat pa sa pagpapaunlak sa kanyang panayam.
Nitong huli, matapos namang bumalik kay Mr. Official ang kanyang mga pahayag, agad na naghugas kamay ang government exec at iba ang sinisi.
Nag-react naman sa kanyang sinabi ang ilan, bagamat agad ding umalma ang opisyal sa naging pahayag laban sa kanya.
Dahil sa kanyang pagiging patola, may mga nananawagan tuloy na ibalik na lamang ang kanyang pinalitan.
Tanong tuloy ng ilan kung swak nga ba siya sa kanyang trabaho.
Alam kong gets nyo na ang tinutukoy ko.
Opisyal tinaguriang ‘Mr. Patola’
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...