MATAPANG na inireklamo ni JK Labajo ang naging desisyon ng mga judges sa Idol Philippines matapos isnabin sa audition ang reggae singer na si Luke Bayton.
Ayon sa kontrobersyal na singer, nanghihinayang siya sa talent ni Luke na mula sa Tuguegarao City na kumanta ng
“If I Ain’t Got You” ni Alicia Keys as his audition piece.
“It’s a yes for me. I’m not even gonna argue with the other judges. It’s easy to fix flats and sharps and such imperfections but it’s not that easy to find soul. Kakagigil,” ang ipinost ni JK sa kanyang social media account.
Dagdag pa niya, “Huge shame on the other ‘judges’ for not seeing this guy’s potential. What a shame. Such a shame. I’m ashamed.”
Maraming nag-react sa post ng binata, may nag-agree sa kanya at meron ding kumontra. Kaya naman sa kanyang Instagram Stories, sinabi niyang wala siyang intensyong mangnega. Nais lang niyang ibandera ang kanyang saloobin sa napanood niyang audition ni Luke.
“Reggae has an off-beat type of measure in music and it’s not really made to be performed PERFECTLY but FREELY. Just saying,” pahayag ng “Buwan” singer.
Dugtong pa niya, “And for you people who get so turned on with issues, I’m not trying to make one. We all have our own opinions and I’m just sharing my own thoughts. Anyway, whatever, I moved on from this already like just now so sayonara carbonara.”
Bukod dito, nag-post uli ang binatang singer ng kanyang saloobin tungkol sa pagkakaroon ng freedom ng bawat indibidwal para ipahayag ang kanilang nararamdaman at pinaniniwalaan.
“Filipinos have this crazy mindset that celebrities or public figures shouldn’t or can’t share their own thoughts in life.
“For you and for nation, ‘di ako artista. Ako’y isang normal na tao lang. Don’t expect perfection in me, go find it somewhere else,” ang matapang at diretso pang pahayag ni JK Labajo.