Pagpapangalan sa kalye inuna pa

By Ira Panganiban May 17,2019
share this

Pagpapangalan sa kalye inuna pa

By Ira Panganiban May 17,2019
share this

WHAT’S in a name? E, mukhang mas importante pa ang trabahong ito ng pagpapalit ng pangalan ng mga kalye kaysa ayusin ang trapik kung mga mambabatas ang tatanungin natin.

Nitong linggong nakaraan, sinasabi sa balita na naaprubahan na ng Kongreso ang pagpapalit ng pangalan ng north expressway mula North Luzon Expressway o NLEX at gawin itong Marcelo H. del Pilar Expressway o MHDex.

Wala naman problema sa bagay na ito maliban sa katotohanan na wala pang maayos na batas na naipapasa ang Kongreso na haharap sa problema ng trapiko at disiplina sa lansangan.

At ito ang nagiging problema ng legislative branch natin, masyadong madaming aktibidad na lihis sa totoong mandato nila.

Madaming batas tungkol sa lansangan ang hindi nila bini-bigyang pansin tulad ng emergency powers on traffic na hinihingi ng Malacanang pero pag ganito kababaw mabilis pa sila sa alas kuwatro.

Sana gumawa sila ng batas na mas pahihigpitin ang disiplina sa kalye. O kaya ay batas na magbibigay ng continuing driving education and ethics sa mga public utility at government vehicle drivers. O kaya ay batas na maglalagay ng mas maayos na emergency response system sa mga banggaan o crashes sa lansangan.

Madami pa silang dapat pagtibayin na mga panukala, dahil sandamakmak ang mga nakahaing bills sa Kongreso na tumatalakay sa lansangan at mga problema nito.

Pero imbes atupagin yun, ay kung ano-anong mundane matters and inaasikaso nila.

Umaasa na lang kami na itong bagong Kongreso ay nalagyan ng mas proactive na mga mambabatas na haharapin ng tunay ang problema sa mga kalye natin.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending